Kamusta naman at tinatamad talaga akong magtrabaho?Napapansin ko,palagi nalang ako late pumasok sa office, kung hindi halfday, 2 oras akong late..Dahil kaya tag-ulan? O dahil nakakabit na talaga sa akin yung sakit na katamaran? Pano naman napakaganda ng shift na nakuha ko.. 5pm at ang uwian 2am? Sa tingin mo ba makakauwe ako ng ganung oras? Ayoko nga makipagpatintero kay kamatayan,mahal ko pa ang buhay ko!!Paano nalang yung mga nagmamahal sa kin. Saka ayoko pang iwan yung mga gadgets ko.. Pano nalang yung bagong bili kong laptop? Yung ipod touch ko na hindi ko pa tapos bayaran sa Credit card ko, yun uber bilis masira kong Phone, ska yung uber paborito kong Nintendo DS? Isa lang ata yung magandang resulta pag nadeadz ako eh.. Bayad na yung hinuhulugan kong bahay sa Imus, Cavite.Haller, hindi ko pa nga natitirahan yun noh! Biruin mo at the age of 22, nakabili na ako ng sarili kong bahay..haha..salamat nalng at nauso ang Kolcenter dito sa Pilipinas.Naiinis talaga ako kapag wala akong ginagawa sa office. Kaunti lang yung mga nakakausap ko, tapos pabagsak ng pabagsak po yung metrics ko..Biruin mo, yung ahente palaging nasa TOP, ngayon ay isang simpleng ahente nalang?Grabe tlga!!Di ako makapaniwala..paano nalang yung bonus ko buwan buwan..haayz..Nakakasawa na din yung mga routine ko araw araw..
5:00pm- Start of my WORK!!
2:00am- End of Shift
2:30am- Free internet @ pantry
6:00am- Go home..
7:00am- BorLogs mode
3:00pm- Wake up!!
4:00pm- Go to work..
5:00pm- Start of my WORK
See how boring my life is..??Well, the fact is that, though I don’t enjoy my work that much, I still have the reason to stay because of the money I’m getting every cut-off!! See how happy I am every 10th and 25th of the month..
Katulad ngayon, 1:08am na, malapit na ko mag log out.. Maya maya, pupunta nanaman ako sa pantry para maginternet..Wala na bang bago??Di naman ako makagimik dahil bukod sa ampanget ng time ng shift ko, panget pa ng off ko, grabeh, thursday at friday.. At talaga naman uber ako sa kamalasan noh!!
Ayan, nagugutom na naman ako, kakain nanaman ako to the nth level..